^

Bansa

Loyalty check sa PNP ‘di kailangan – Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Loyalty check sa PNP �di kailangan � Pangulong Marcos
Sa isang ambush interview sa General Santos City, hiningan ng komento ang pangulo tungkol sa pahayag ni da­ting Senador Antonio Trillanes na mayroong destabilisasyon mula sa ilang aktibo at retiradong opisyal ng PNP.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Walang nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para magsagawa ng loyalty check sa hanay ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Sa isang ambush interview sa General Santos City, hiningan ng komento ang pangulo tungkol sa pahayag ni da­ting Senador Antonio Trillanes na mayroong destabilisasyon mula sa ilang aktibo at retiradong opisyal ng PNP.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na wala silang natatanggap na report na mayroong destab plot sa mga aktibong pulis ng PNP, subalit baka mayroong gumagalaw sa mga retirado.

“I don’t see --- wala kaming report na in the ranks. Iyong mga retired baka mayroon, mayroong mga gumagalaw, sumasama sa mga destab na ginagawa,” ayon pa sa Presidente.

Nilinaw pa niya na sa mga kapulisan lalo na sa mga opisyal ng PNP ay wala silang nakikitang namumulitika at hindi rin naman niya alam kung ano ang loyalty check at paano niya sasabihin sa tao.

Sa kabila nito, titingnan pa rin anya nila ang record ng mga sinasabing nagpaplano ng destab laban sa gobyerno.

“So, ang loyalty check, hindi ko alam kung ano ‘yung loyalty check katotohanan. Anong sasabihin mo doon sa tao? Sasabihin, “loyal ka ba sa akin?” Siyempre, oo ang sagot noon ‘di ba kahit na hindi siya loyal sa’yo. Pero titingnan natin mga record nila”, ayon pa kay Marcos.

Hiling naman ni Marcos sa kapulisan at Armed Forces na gawin ang kanilang trabaho at maging propesyunal kahit na hindi siya binoto ng mga ito.

“Ang ano ko naman, kahit hindi mo ako binoto okay lang sa akin basta’t maging professional ka, gawin mo ‘yung trabaho mo nang tama. Iyon lang naman ang hinihiling ko sa lahat ng police, sa lahat ng Armed Forces,”giit pa ng Pangulo.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with