PhilHealth: Breast cancer benefit, itinaas sa P1.4 milyon
MANILA, Philippines — Magandang balita dahil umaabot na ngayon sa P1.4 milyon ang benepisyo sa gamutan na maaaring matanggap ng mga breast cancer patients mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito’y matapos na aprubahan na ng state health insurer ang pagtataas ng kanilang “Z-Benefit Package.”
Sa isang public briefing, sinabi ni PhilHealth acting Vice President for Corporate Affairs Group Rey Baleña na inaprubahan na kahapon ng PhilHealth Board ang pagtataas ng package rate para sa breast cancer patients.
Dahil dito, mula sa dating P100,000 ay magiging P1.4 milyon na ito simula nitong Marso 30, 2024.
“Good news ito sa mga kababayan natin lalo na sa magpapagamot, kahit ‘yung kasalukuyang nagpapagamot na, for breast cancer,” pahayag pa ni Baleña.
Aniya pa, kung dati ay early stages lang ang kuwalipikado sa Z-benefit para sa breast cancer, ngayon ang lahat ng stages ng breast cancer ay maia-avail na ng pasyente.
- Latest