^

Bansa

China kinuwestiyon ni Teodoro sa posibleng paglabag sa wiretapping law

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
China kinuwestiyon ni Teodoro sa posibleng paglabag sa wiretapping law
Gilberto Teodoro on March 13, 2024.
STAR/ Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon nitong Miyerkules ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang China sa posibleng paglabag sa wiretapping law kaugnay ng umano’y audio recording nito sa isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na umano’y pumayag sa ‘new model’ na kasunduan upang hindi na uminit pa ang tensiyon sa Ayungin Shoal sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

“Kung itong statement na ito ay totoong galing sa Chinese Embassy na sila ay nag-recording ng sinuman sa Pilipinas, sila ay umaamin na lumabag sila sa batas ng Republika ng Pilipinas particularly sa Anti-Wiretapping Law,” sabi ni Teodoro.

Nitong Martes ay isang Chinese official ang iprini­sinta ang isang nairekord na pakikipag-usap sa telepono sa pagitan ng isang diplomat ng Chinese Embassy at AFP-Western Command Chief, Vice Admiral Alberto Carlos na nagsasabing ang buong AFP ay sang-ayon sa ‘new model pact’ sa China para sa kapayapaan sa pangangasiwa sa sitwasyon sa Ayungin (Second Thomas) Shoal sa WPS.

Gayunman, hindi pa masiguro kung boses ni Carlos ang nasa recording na ipinarinig sa media ng Chinese official dahilan kasalukuyang naka-leave ang nasabing opisyal.

Binigyang diin naman ni Teodoro na kung totoo ang bagay na ito ay labag ito sa internasyonal na ugnayan, labag sa batas dahil hindi nakipag-ugnayan ang China sa Department of Foreign Affairs  at ang mga ito ay nago-operate ng pailalim kung may katotohanan ang nasabing ‘audio conversation’.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Defense Chief na sila ay gagawa ng kaukulang hakbang upang maproteksiyunan ang Department of National Defense, AFP at mga Pilipino.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with