^

Bansa

Jobless Pinoy umakyat sa 2 milyon noong Marso 2024

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Jobless Pinoy umakyat sa 2 milyon noong Marso 2024
Job applicants attend a job fair at a mall in Caloocan on May 1, 2024.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho sa bansa nitong Marso, batay sa pinakahuling labor force participation survey na ginawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, naitala sa 3.9% ang unemployment rate o katumbas ng 2 milyong Pilipino na walang trabaho noong nagdaang Marso.

Mas mataas ito sa 3.5% unemployment rate noong Pebrero pero mababa naman kung ikukumpara sa 4.7% na naitala ng kaparehong buwan noong 2023.

Kasunod nito, nasa 96.1% ang employment rate o katumbas naman ng 49.15 milyong Pinoy na may trabaho sa bansa.

Samantala, mula sa 12.4% ay bumaba sa 11% ang underemployment rate o bilang ng mga manggagawang hindi napapasweldo ng sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan.

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, kabilang sa mga sektor na may malaking idinagdag sa bilang ng mga may trabaho kumpara noong 2023 ang wholesale at retail trade, manufacturing, at public administration at defense.

Habang sa mga sektor na bumaba ang bilang ng mga may trabaho o negosyo kung ikukumpara ang Marso 2024 sa Marso 2023 ay agriculture at forestry, fishing at aquaculture at pati ang accommodation at food service sector.

vuukle comment

JOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with