^

Bansa

Pinsala sa PCG ship aabot sa P2-P3 milyon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pinsala sa PCG ship aabot sa P2-P3 milyon
This frame grab from handout video footage taken and released on April 30, 2024 by the Philippine Coast Guard (PCG) shows the Philippine Coast Guard ship BRP Bagacay being hit by water cannon from Chinese coast guard vessels near the chinese-controlled Scarborough shoal in disputed waters of the South China Sea.
Handout / Philippine Coast Guard (PCG) / AFP

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na aabot sa P2 milyon hanggang P3 milyon ang halaga ng pinsalang tinamo ng kanilang barko na binomba ng tubig ng mga tauhan ng Chinese Coast Guard (CCG) ka­makailan habang nagpapatrulya at nagsasagawa ng humanitarian mission sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang media briefing kahapon, sinabi ni Commodore Arnaldo Lim, acting commander ng PCG Manila at Central Luzon Districts, na ang pamahalaan ang sasagot sa pagpapagawa ng BRP Bagacay, na dumaong na sa Cunanan Wharf.

Nabatid na direktang tinamaan ng pinakawalang tubig ng CCG ang LED panel ng barko kaya’t nawasak ito.

Nasira rin umano ang canopy at railings ng tulay ng barko, gayundin ang ilang navigational equipment, gaya ng satellite compass.

Ayon kay Lim, kaagad na ring sisimulan ng Coast Guard Commander Fleet ang pagkukumpuni sa kanilang barko. 

Matatandaang bukod sa BRP Bagacay, napinsala rin dahil sa pambo­bomba ng tubig ng CCG ang starboard astern ng BRP Datu Bankaw na pagmamay-ari naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at siyang kasama ng BRP Bagacay sa pagpapatrulya at pagdaraos ng humanitarian mission sa WPS noong Abril 30.

Kasalukuyan nang isinasailalim ng PCG ang BRP Bagacay sa structu­ral integrity upang matukoy kung alin-alin pang bahagi nito ang kailangang kumpunihin.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with