^

Bansa

3 motorbanca hinuli ng PCG, BFAR sa illegal fishing

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Tatlong motorbanca ang hinuli ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa katubigan ng Eastern Visayas dahil sa umano’y illegal fishing activities.

Ayon sa PCG kahapon, habang nagsasagawa ng joint maritime patrol ang PCG-manned DA-BFAR vessel, BRP Capones (MRRV-4404), at BFAR Fisheries Protection and Law Enforcement Group sa Libucan Island, Tarangnan Samar, Maripipi Island, at Bool, Biliran, nang mamataan nila ang mga motorbanca na nagsasa­gawa ng ilegal na pangingisda.

Dalawa sa nahuling bangka ay gumagamit ng Danish Seine o kilala sa tawag na “hulbot-hulbot.”

Ang ikatlong motor banca ay nasabat naman malapit sa Tarangnan, Samar, at ki­numpiska ang ginagamit na fishing net kasunod nang pag-iisyu ng Certificate of Orderly Inspection.

Ang may-ari ng bangka at mga tripulante nito ay pinakawalan din matapos na makapagsumite ng legal na dokumento at inabisuhan na ayusin ang mga kulang nilang requirements.

3 motorbanca hinuli ng PCG, BFAR sa illegal fishing

Layson

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with