^

Bansa

Mas mahigpit na parusa vs hospital detention

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

Sa gitna ng ‘palit-ulo scam’

MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Senador Risa Hontiveros nitong Huwebes ang pagpasa ng panukalang batas na inihain niya noong 2022 na naglalayong dagdagan ang parusa para sa hospital detention.

Inihalimbawa ni Hontiveros ang reklamo ng mga miyembro ng pamilya ng mga namatay na pasyente na pinagbawalan umano sa paglabas ng ospital sa Valenzuela City dahil sa kanilang kawalan ng kakayahang agad na bayaran ang  mga gastos sa medikal.

“If true, these hospitals are brazenly committing crimes in broad daylight. Klaro sa batas na bawal ang hospital detention at pwedeng makulong at pagmultahin ang sinumang lumabag dito. The Department of Health must take immediate action on this and make sure incidents like hindi na mauulit ang mga ito,” dagdag ni Hontiveros.

Nauna rito, inihain ni Hontiveros ang Senate Bill No. 140 naglalayong itaas ang parusa ng hospital detention laban sa mga opisyal o empleyado ng mga pasilidad sa kalusugan na humahadlang sa paglabas ng mga pasyente.

Nais ni Hontiveros na gawing anim na buwan at isang araw hanggang sa dalawang taon at apat buwang kulong para sa mga ospital at empleyado ng ospital at gawing P300,000 ang multa mula sa kasalukuyang P100,000.

Karagdagang parusa na apat hanggang anim na taong pagkakakulong at/o multa na P500,000 hanggang P1 milyon para sa mga direktor o opisyal na ginagawang patakaran sa kanilang mga pasilidad sa kalusugan at nag-aatas sa kanilang mga empleyado na huwag palabasin ang mga pasyente.

“The anti-hospital detention law was passed way back in 2007. Talagang napapanahon nang i-update ito at lagyan ng mas matalas na pangil para matuldukan na ang ‘di makataong pag-detain sa mga pasyente pati na rin sa mga kapamilya nila,” sabi ni Hontiveros.

vuukle comment

RISA HONTIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with