^

Bansa

Dahil sa init at pertussis, blended learning ibalik

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Dahil sa init at pertussis, blended learning ibalik
Students from Justo Lukban Elementary School in Manila are given a break to rehydrate themselves in a bid to combat the hot weather on April 2, 2024.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Kasunod ng pagbabalik-eskwela matapos ang Mahal na Araw, hinimok ni Senador Win Gatcha­lian ang mga punong-guro na magpatupad muna ng blended learning sa gitna ng pangamba ng mga magulang sa banta ng pertussis o whooping cough at mainit na panahon.

“Nais nating paalalahanan ang mga punong-guro na kung may banta sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, maaaring magpatupad ang mga paaralan ng blended learning lalo na’t pinangangambahan natin ang banta ng pertussis at mas mainit na panahon. Maipagpapatuloy na natin ang edukasyon ng mga bata, mabibigyan pa natin ng prayoridad ang kanilang kalusugan at kaligtasan,” ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

May anim na lokal na pamahalaan sa Western Visayas ang nagsuspinde na ng klase nitong Abril 1 dahil sa init ng panahon. Nagsuspinde naman ang Iloilo City ng klase noong Abril 1 at ngayong Abril 2 mula pre-school hanggang senior high school dahil sa matinding init.

Upang matiyak ang pagpapatuloy ng edukasyon, nakasaad sa Department of Education (DepEd) Order No. 037 s. 2022 na kasunod ng pagkansela o pagsuspinde ng mga klase, maaaring magsagawa ng modular distance lear­ning, performance tasks, o make-up classes.

Matapos ang konsultasyon sa mga stakehol­ders, kabilang ang mga guro at mga mag-aaral, inurong ng DepEd ang pagtatapos ng School Year 2023-2024 sa Mayo 31 mula Hunyo 14.

Iniulat din dati ng PAGASA na bagama’t mas kaunti ang mga maulang araw at kanselasyon ng klase dahil sa bagyo sa ilalim ng kasalukuyang school ca­lendar, mas marami naman ang mga araw na tumatama sa matinding init.

Samantala, nagdeklara naman ng mga pertussis outbreaks sa Quezon City at Iloilo City. Nasa ilalim naman ng state of calamity ang Cavite dahil sa pertussis outbreak.

Iniulat ng Department of Health (DOH) noong Marso 27 na umabot na sa 40 ang namatay dahil sa pertussis mula Enero 1 hanggang Marso 16.

vuukle comment

SCHOOL

STUDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with