^

Bansa

Bakuna itinulak sa paglobo ng kaso ng tigdas, 'whooping cough'

James Relativo - Philstar.com
Bakuna itinulak sa paglobo ng kaso ng tigdas, 'whooping cough'
A child reacts during a Philippine Read Cross Measles Outbreak Vaccination Response in Baseco compound, a slum area in Manila on February 16, 2019. A growing measles outbreak in the Philippines killed at least 25 people last month, officials said, putting some of the blame on mistrust stoked by a scare over an anti-dengue fever vaccine.
AFP/Noel Celis, File

MANILA, Philippines — Hinihikayat ngayon ng Department of Health (DOH) ang mga Pilipinong magpabakuna sa biglaang pagtaas ng kaso ng measles (tigdas) at pertussis — bagay na pwedeng ikamatay.

Ilang linggo pa lang ang nakakalilipas nang iulat ng World Health Organization (WHO) na lagpas kalahati ng lahat ng bansa sa mundo ang magiging "high risk" sa tigdas bago matapos ang 2024, maliban sa reported cases at deaths ng pertussis o whooping cough sa Serbia.

"Code Blue has been practiced in the DOH Central Office (DOH-CO) since March 20, which signals intensified activities to mitigate the spread of the virus through vaccination, micronutrient supplementation, community engagement, and risk communication," wika ni Health Secretary Ted Herbosa, Huwebes.

"A non-selective Outbreak Response Immunization (ORI) strategy for measles-rubella is being implemented in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), together with Vitamin A supplementation and a synchronized supplemental immunization activity on bivalent Oral Polio Vaccine (bOPV)."

Dahil sa pagkaantala ng mga routine at primary case noong pandemya, umabot na agad sa 453 ang pertussis cases sa Pilipinas sa unang 10 buwan ng 2024.

Malayo ito sa mga naitala noong nakaraang taon: 52 noong 2019, 27 noong 2020, pito noong 2021, at dalawa noong 2022 at 23 noong 2023.

"Pertussis or whooping cough ('ubong-dalahit' or 'tuspirina' in Filipino) is a highly contagious bacterial respiratory infection that causes influenza-like symptoms of mild fever, colds, and coughs 7 to 10 days after exposure," paliwanag ng DOH.

"This cough, in typical cases, will develop into a characteristic hacking cough. Pertussis can be treated by antibiotics, but it is best prevented through vaccination."

Pumalo naman na sa 569 ang measles at rubella cases bago matapos ang Pebrero 2024. Lahat  ng rehiyon, maliban sa Bikol at Central Visayas, ay nakapagtala ng pagtaas ng mga kaso nitong nakaraang buwan.

Nasa 163 bagong kaso ang naitala sa pagitan ng ika-11 hanggang ika-24 ng Pebrero, bagay na 3% mas mataas dalawang linggo bago ito (159 cases). Pinakaapektado raw nito ang mga 5-anyos pababa na hindi bakunado.

"Measles ('tigdas' in Filipino) is highly contagious. It spreads from infected individuals through the air, especially through coughing or sneezing," patuloy  ng DOH.

"It affects all age groups, but is more common in children. Symptoms include high fever, cough, runny nose, and a body rash. There is no specific treatment for the virus that causes measles; however, vaccination protects against it."

High-risk population target mabakunahan

Target ng DOH mabakunahan ang hindi bababa sa 90% ng high-risk population, lalo na ang mga batang 6 nabuwan hanggang 10-taong-gulang para makontrol ang pagkalat ng nakahahawang tigdas.

Pinaalala ni Herbosa sa publikong kumuha ng tetanus, diphteria at pertussis and measles, mumps and rubella vaccines, lalo na't libre lang itong makukuha sa local health centers.

Disyembre lang nang iulat ng WHO na lumobo ng 30 beses ang kaso ng tigdas sa European region, bagay na nangangailangan diumano ng aksyon.

Bukod sa bakuna, sinabi rin ng DOH na makatutulong din laban sa tigdas at pertussis ang precautions laban sa COVID-19 gaya ng boluntaryong paggamit ng face mask, pananatili sa bahay kung may sakit, palagiang paghuhugas ng kamay, atbp.

DEPARTMENT OF HEALTH

MEASLES

PERTUSSIS

VACCINATION

WHOOPING COUGH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with