^

Bansa

Kapakanan, kalusugan ng mga buntis tiniyak ni Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate committee on health and demography, na mahalagang matiyak na ang mga buntis na kababaihan ay nakatatanggap ng angkop na panga­ngalaga at suporta na kailangan nila para sa isang malusog na pamumuhay, pagbubuntis at panganganak.

Ngayong Buwan ng Kababaihan, nauna nang pinuri ni Go ang pagdiriwang ng ika-20 Pambansang Araw ng Buntis sa Robinsons Place sa Tagum City, Davao del Norte noong Marso 10.

Naging adbokasiya na ni Go na mapa­natili ang maayos na kalusugan ng bawat mamamayang Pilipino, kabilang na ang mga buntis.

“Lubos kong pinasasalamatan ang Philip­pine Obstetrical and Gynecological Society (POGS) - Southern Mindanao Chapter sa pag-oorganisa ng programang makatutulong sa kalusugan ng mga buntis,” ani Go.

Itinampok sa event ang serye ng educational workshops, pagsusuri sa kalusugan, at sesyon ng pagpapayo upang ma-empower ang mga buntis sa kaalaman at resources na kinakaila­ngan para sa isang ligtas at malusog na pagdadalang-tao.

“Maraming salamat po sa mga dumalo at nakiisa sa programang ito. Nawa’y lagi niyo pong unahin ang inyong kalusugan at inyong kapakanan. Saludo po ako sa inyong pagsusumikap at sa inyong pagserbisyo sa inyong kapwa Pilipino,” ayon kay Go.

“Ipinagmamalaki kong sabihin na gumawa tayo ng malaking hakbang tungo sa pagtiyak na bigyan ng prayoridad ng gob­yerno ang unang 1,000 araw ng buhay sa pamamagitan ng pagpasa ng Republic Act No. 11148 o ang Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act noong administrasyong Duterte,” pagbabahagi ni Go.

vuukle comment

MINDANAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with