^

Bansa

I-demolish Chocolate Hills resort? DENR sinabing 'pag-aaralan' pa ito

James Relativo - Philstar.com
I-demolish Chocolate Hills resort? DENR sinabing 'pag-aaralan' pa ito
Captain’s Peak in Barangay Canmano in the municipality of Sagbayan.
Facebook/Screengrab from Ren The Adventurer

MANILA, Philippines — Hindi pa madiretso ng gobyerno kung may kapangyarihan itong i-demolish ang ipinasarang resort sa paanan ng Chocolate Hills — pribadong ari-arian raw kasi ito kahit nasa loob ng isang "protected area."

'Yan ang paliwanag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos idiniin ang temporary closure order laban sa The Captain’s Peak Garden and Resort, bagay na nag-operate kahit walang Environmental Compliance Certificate (EEC).

"Pagdating po sa demolition, kailangang pag-aralan. Kasi hindi po illegal occupation ito. Private property po ito at pagmamay-ari nila 'yung structures na inilagay nila," ani Undersecretary for Field Operations and Environment Juan Miguel Cuna, Biyernes.

"Ang hindi po pwede is mag-operate po sila without the ECC. So the fact that it's private property, and the proponent is the one who spent to put up the structures, ay kailangan pong pag-aralan 'yan."

Ilang netizens at concerned citizens kasi ang nakukulangan sa pansamantalang pagpapasara sa naturang resort sa takot na mapinsala nito ang unang UNESCO Global Geopark ng Pilipinas. Ang ilan sa kanila, iminumungkahing gibain na ito nang tuluyan.

Bagama't natituluhan ng pribadong landowners ang paanan ng nasabing "natural wonder," idineklara ito bilang protected area ni Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997 sa pamamagitan ng Proclamation 1037.

Dahil dito, maaaring magpatupad ng ilang paghihigpit o regulasyon ang gobyerno sa anumang development o establisyamento sa mga protected area. Ang mga paghihigpit ay inililinaw aniya sa environmental impact statement bago maglabas ng ECC sa mga proyekto.

"Unlike po sa ibang mga lugar na illegal occupation dahil nag-put up sila ng structures on timberland or forest land na wala pong kaukulang tenurial instrument from us, nagkaroon na ng instances in the past na dinemolish po siya," sabi pa ni Cuna.

"Katulad po noong sa Boracay dati some years back... dinemolish 'yun but with the local government unit at the forefront of the demolition."

Miyerkules lang nang tiyakin ng Captain's Peak na tatalima sila sa pansamantalang pagpapasara ng DENR habang nagsasagawa ng "maintenance at environmental preservation efforts."

Milyun-milyong multa, taong kulong posible

Dagdag pa ni Cuna, maraming posibleng ikaso sa naturang establisyamento bukod pa sa pag-o-operate nang walang EEC — ito kahit Setyembre 2023 pa merong temporary closure order.

May parusa aniya at kaukutang multa ang konstruksyon nang walang EEC, pag-discharge ng tubig nang walang permit, pagtatayo ng deep well nang walang permiso sa National Water Resources Board (NWRB), atbp.

"And then under the [Expanded National Integrated Protected Areas System] Law, 'yun ang mabigat. For criminal liability, may mga penalty po siya and it's not small," dagdag pa ng DENR official.

"Minimum of P1 million to P5 million maximum for a criminal liability. At meron pong karagdagang a minimum of six years to a maximum of 12 years imprisonment for putting up structures without the appropriate permits within the protected area."

Meron din aniyang administrative fines na maaaring ipataw sa mga nabanggit , bagay na nasa P15,000 hanggang P5 milyon.

Nang tanungin kung pwedeng makabalik sa operasyon ang resort, ito na lamang ang nabanggit ni Cuna.

"Pag-aaralan ng husto kung we will continue to process their ECC. Dahil nga po in the interim, last year, May 24, na-declare na po ng UNESCO as a geopark itong Chocolate Hills," sabi niya.

"So titignan po natin, pag-aaralan ng husto, kung talagang angkop pa ang facility na ito sa loob ng Chocolate Hills."

Nabatikos nang husto ang nasabing establisyamento online. Hindi na rin naiwasang punahin ito ng ilang Filipino celebrities, lalo na't "nababoy" aniya ang world-renowned geological formation.

BOHOL

CHOCOLATE HILLS

DENR

RESORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with