^

Bansa

1 milyong benepisyaryo target ng DSWD sa food stamp

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
1 milyong benepisyaryo target ng DSWD sa food stamp
Ayon kay Atty. Baldr Bringas, DSWD assistant secretary, nasa P1.89 bilyon ang inilaang pondo ngayong taon para sa mga mahihirap na Pilipino.
FREEMAN / File

MANILA, Philippines — Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maabot ang isang milyong benepisyaryo para sa Walang Gutom 2027: Food Stamp program.

Ayon kay Atty. Baldr Bringas, DSWD assistant secretary, nasa P1.89 bilyon ang inilaang pondo ngayong taon para sa mga mahihirap na Pilipino.

Sinabi ni Bringas na natukoy na nila ang mga benepisyaryo na sakop ng kanilang programa na ilalagay sa Listahan 3 at tatanggap ng P3,000 cash assistance.

Ang nasabing cash aid ay maaaring gamitin sa Kadiwa stores o mga accredited retailers nationwide upang makatulong sa panga­ngailangan ng tinatawag na poorest of the poor.

Binigyang diin nito na nasa 800 milyong Pilipino ang natutulog ng walang laman ang mga tiyan o hindi kumakain ng isang beses sa isang araw.

Layon ng programa na matulungan ang mga mahihirap na Pilipino na maingat ang kanilang pamumuhay.

vuukle comment

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with