^

Bansa

Smuggling mababawasan, revenue collection tataas sa termino ni Recto - SINAG

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaasa ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na mababawasan ang smuggling at tataas ang revenue collection sa nalalapit na kumpirmasyon ni Secretary Ralph Recto bilang pinuno ng Department of Finance (DOF).

Ayon kay SINAG Chair Rosendo So, panahon na para pamumuan ang DOF ng isang may kakayahan sa larangan ng pananalapi at ekonomiya at may malalim na pag-unawa sa sektor ng agrikultura.

 Ayon kay So, ang mga lokal na prodyuser ay matagal nang nakipagtulungan kay Recto mula noong siya ay nahalal bilang kinatawan ng 4th District ng Batangas noong 1996, at bilang tatlong terminong Senador mula 2001-2007 at 2010-2022.

 Kabilang si Recto sa pangunahing nagsulong ng  Rice Tariffication Law.

Nauna rito, nangako rin si Recto na wakasan ang talamak na gawain ng undervaluation at misdeclaration ng mga agricultural imports na nag-aalis sa ating pamahalaan ng lubhang kailangan na kita.

Suportado rin ng kalihimv  ang pagtatayo ng kauna-unahang Cold Examination Facility in Agriculture (CEFA), isang makabagong pasilidad sa pagsusuri ng lahat ng inangkat na hayop, isda, halaman, at iba pang mga produktong pang-agrikultura, sa Angat, sa Bulacan.

Inaasahan naman na mabilis na makukumpirma ang ad-interim appointment ni Recto sa sandaling isalang na ito sa CA ngayong Miyerkules.

vuukle comment

SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with