^

Bansa

PPA suportado PTFoMS sa pagtugis sa killer ng broadcaster sa Misamis Occidental

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kaisa ang Philippine Ports Authority (PPA) sa hakbangin ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) upang matunton ang tatlong suspek sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Juan Jumalon sa Calamba, Misamis Occidental.

Nagkasundo ang PPA at PTFoMS na ipamahagi at ipaskil ang 30,000 flyers sa lahat ng mga pantalan sa bansa na nasa ilalim ng pamamahala ng ahensya, lalo na sa rehiyon ng Mindanao. Layunin nito na mas malawak na maipaabot sa publiko ang computer-generated sketch ng mga suspek sa nasabing krimen.

Kinilala ng PTFoMS at Philippine National Police (PNP) ang mga suspek na sina alyas ‘Ricky’, ‘Inteng’, at ‘Boboy’. Ilalabas ang mga identidad ng tatlong nabanggit sa oras na ilabas na ang warrant or arrest laban sa kanila.

Matatandaan na noong November 5, 2023 ay pinaslang si Jumalon o mas kilala bilang DJ Johnny Walker sa loob ng studio sa kanyang tahanan sa Purok 2, Barangay Don Bernardo A. Neri habang naka-livestreaming ang kanyang morning program.

Lumabas sa security camera footage na diretsong pumasok si alyas Ricky sa studio ni Jumalon at pinaputukan ito gamit ang .45 caliber pistol. Agad nasawi sa pamamaril ang mamamahayag.

Kasama ang PPA sa layunin na makapagbigay ng ba­lanseng impormasyon sa publiko. Bukod sa mga pinakabagong kaganapan sa mga maritime industry, hangad ni PPA General Manager Jay Santiago na maging updated sa balita sa loob at labas ng pantalan ang mga biyahero. 

Nagpapatuloy din ang pakipagtulungan ng PPA Port Police Department sa iba pang ahensya ng pamahalaan gaya ng PNP para magsagawa ng mga joint operation na layong mahuli ang mga indibidwal na mayroong warrant of arrest o tinutugis ng mga awtoridad para sa iba’t ibang mga kaso.

Nitong Enero 2024, nahuli ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at mga kawani ng PPA ang dalawang pasahero ng isang barko na dumaong sa Port of Dapitan, dahil sa warrant of arrest na inilabas laban sa mga ito para sa kasong murder. Nahuli rin ng Port Police sa Port of Pio Duran nitong Pebrero ang isang suspek sa kasong panghahalay.

vuukle comment

PHILIPPINE PORTS AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with