Robin nagsori sa ‘IV drip’ ni Mariel
MANILA, Philippines — Humingi ng paumanhin si Sen. Robinhood “Robin” Padilla nitong Lunes sa opisyal ng Senado nitong Lunes sa nangyari noong nakaraang linggo sa kanyang tanggapan kaugnay sa ginawa ng kanyang maybahay na si Mariel T. Padilla.
Nagpadala ng liham si Padilla kay Dr. Renato DG Sison, direktor ng Medical and Dental Bureau; at kay (Ret) Lt. Gen. Roberto T. Ancan, sergeant-at-arms ng Senado.
“Kailanman po ay hindi ko naisip na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na alituntunin ukol sa seguridad ng Senado, lalo’t higit ang hindi pagbibigay-galang sa ating institusyon,” ani Padilla sa kanyang liham kay Ancan.
“Nais ko pong bigyan ng diin na wala pong intensyon ang aking maybahay na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na patakaran ng Medical Bureau,” ayon sa mambabatas, sa liham naman niya kay Sison.
Tiniyak ni Padilla na hindi na mauulit ang nangyari.
Nitong Linggo, humingi rin ng paumanhin si Mariel sa publiko at sa Senado sa nangyaring pag-IV drip sa tanggapan ni Sen. Padilla. Nilinaw din niya na Vitamin C at hindi glutathione ang drip niya. (
- Latest