^

Bansa

China inalis na floating ­barriers sa Bajo de Masinloc

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
China inalis na floating ­barriers sa Bajo de Masinloc
Fishermen check the floating barriers installed by the Chinese Coast Guard (CCG) at the passage heading to Scarborough Shoal in the West Philippine Sea.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Posibleng natakot na umano ang Chinese Coast Guard (CCG) kaya inalis na nila ang inilagay na floating barriers sa paligid ng Bajo de Masinloc.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, kinumpirma ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na inalis na ng China Coast Guard (CCG) ang floating barriers.

Ayon kay Malaya, inilagay lamang ng CCG ang mga floating barriers ng pumunta ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Pag-alis anya ng barko ng BFAR matapos na mamahagi ng gasolina at pagkain sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc ay inalis na rin ng CCG ang kanilang floating barriers.

Siniguro naman ni Malaya ang patuloy na pagpapalakas ng presensya ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc at iba pang bahagi ng karagatan na sakop ng bansa matapos na ipa-utos ni pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nilinaw naman niya na hindi lamang sa Bajo de ­Masinloc namamahagi ng tulong ang pamahalaan kundi sa iba pang mga mangingisda na namamalakaya sa ibang bahagi ng exclusive economic zone o eez ng bansa.

Nanawagan naman si Malaya sa mga kababayang mangingisda na ipagpatuloy lang ang pangingisda sa Bajo de Masinloc dahil bahagi ito ng teritoryo ng Pilipinas at patuloy silang susuportahan ng gobyerno.

vuukle comment

CHINESE COAST GUARD

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with