^

Bansa

55% ng Pinoy pabor sa ICC drug war probe — OCTA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
55% ng Pinoy pabor sa ICC drug war probe � OCTA
Batay sa isinagawang survey ng OCTA Research noong Disyembre 10-14, 2023, naniniwala ang nasa 55 porsiyento ng mga Pinoy na dapat lumahok ang Pilipinas sa ICC upang maisagawa ang imbestigasyon sa drug war ni Duterte habang nasa 45 porsiyento naman ang hindi pabor.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Pabor ang karamihang Pilipino na magsagawa ng imbestigasyon ang International Criminal Court (ICC) hinggil sa usapin ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa isinagawang survey ng OCTA Research noong Disyembre 10-14, 2023, naniniwala ang nasa 55 porsiyento ng mga Pinoy na dapat lumahok ang Pilipinas sa ICC upang maisagawa ang imbestigasyon sa drug war ni Duterte habang nasa 45 porsiyento naman ang hindi pabor.

Lumilitaw sa record ng OCTA na 65 p`orsiyento dito ay sa Balance Luzon, 52 porsiyento sa Metro Manila, 50 percent sa Visayas, habang 42 porsiyento sa Mindanao.

Gayunman, nakuha naman ng Mindanao ang mataas na porsiyento na 58 kung saan tutol ang mga Filipino na lumahok sa imbestigasyon ng ICC habang 35 percent lamang ang Balance Luzon.

Ipinakita rin sa survery na 67 porsiyento ng mga nasa 75-anyos pataas ang pabor habang hindi pabor ang 50 porsiyento na nasa edad 35-45.

Dagdag pa ng OCTA na suportado rin ng mga nani­nirahan sa mga lalawigan at probinsiya ang imbestigasyon ng ICC na nakakuha ng 57 percent kumpara sa nakuhang porsiyento ng mga taga Metro Manila na 54%.

Isinagawa ang Tugon ng Masa survey sa 1,200 adult respondents nationwide.

vuukle comment

ICC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with