^

Bansa

PhilHealth at Marcos government para sa Filipino

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon ang  Philippine Health Insurance Corporation sa pagdiriwang nito ng ika-29 na anibersaryo noong Miyerkules, Pebrero14.

Sa kanyang talumpati bilang guest of honor sa okasyon, sinabi ni Gadon na napagtagumpayan ng PhilHealth ang anumang mga kontrobersiyang ibinato sa ahensiya at nagpatuloy lamang ito sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipinong nangangailangan ng ‘medical care.’

Tulad aniya ng Marcos Administration, sinisikap ng  PhilHealth,  na maabot ang pangarap ng bansa na umunlad.

“Under the Administration of PBBM..Effective Feb 14 , 2024 tumaas ang subsidy ng Philheatlh sa mga bills ng member patients na naging 30 percent, sa kabila ng pagsuspinde ng increase of Premium ni PBBM. May mga nadagdag din sa illness and services covered,” ani Gadon.

Dagdag pa niya, ang pagkakahirang kay Emmanuel Ledesma bilang PhilHealth Chief Executive Officer ni President Ferdinand Marcos Jr. ang dahilan kung paano naibangon ng health institution ang postura nito sa pamamahala ng National Health Insurance Program.

Nakapagbigay na rin aniya ang PhilHealth ng maraming trabaho sa pagpapatupad ng mandato ng Marcos Administration na mapababa ang bilang ng mga walang trabahong mga Filipino.

vuukle comment

POVERTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with