^

Bansa

Baste Duterte nag-sorry sa pamilya Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nag-sorry sa pamilya Marcos si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte dahil sa kanyang pahayag na dapat nang mag-resign si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil wala itong pagmamahal at “aspiration” para sa bansa.

Ayon kay Sen. Imee Marcos, nagkausap sila ni Duterte at tinatanong kung ano ang mga pinagsasabi nito.

“Sabi niya, ‘sorry, sorry,” ani Marcos.

Idinagdag ni Marcos na naiintindihan naman niya ang damdamin ni Duterte na nababagabag para sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ate na si Vice President Sara Duterte.

“Nakakaloka ‘yun. ‘Yun lang masasabi ko ang lumapit sa akin ay si Mayor Baste, nag-sorry nang nag-sorry. Naiintindihan ko naman kasi syempre sobrang emosyonal sya kasi isipin mo naman ikukulong ang tatay mo at ate mo talagang magrerebolusyon ang iyong damdamin,” ani Marcos.

Ayaw namang magkomento ni Sen.  Marcos sa naging pahayag ni dating pangulong Duterte na adik umano ang kanyang kapatid na si Pangulong Marcos.

“Hindi na ako kasali doon bahala na sila ka­yang kaya na nila ‘yan nakakaloka ‘yun lang ang masasabi ko,” ani Marcos.

vuukle comment

DAVAO

SORRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with