^

Bansa

Resolusyon para i-extend PUV consolidation aprub sa komite ng Kamara

James Relativo - Philstar.com
Resolusyon para i-extend PUV consolidation aprub sa komite ng Kamara
A jeepney driver fixes his vehicle before a protest, at a jeepney terminal in Manila on January 16, 2024. Philippine jeepney drivers staged a protest in the capital Manila on January 16 over the government's plan to phase out the smoke-belching vehicles nationwide and replace them with modern mini-buses.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng House Committee on Transportation ang isang resolusyon para himukin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin pa ang deadline para sa konsolidasyon ng public utility vehicles (PUVs).

Ikinasa ng komite ang motu proprio inquiry investigation sa estado ng PUV Modernization Program (PUVMP) ngayong Miyerkules matapos ang December 31 deadline na ibinigay sa mga operator at tsuper ng jeep para magkonsolida sa mga kooperatiba at korporasyon.

Una nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hanggang ika-31 ng Enero na lang papayagang pumasada ang mga unconsolidated jeepneys, UV Express at Filcab units sa mga rutang wala pa sa 60% consolidation rate.

Layon ng naturang resolusyong hikayatin si Bongbong na pahabain pa ang deadline ng PUV consolidation hanggang sa magkaroon ng "mas kongkretong plano" para matugunan ang mga problema sa pagpapatupad nito.

Ngayong buwan lang nang iulat ni LTFRB board member Riza Paches na 76% (o 145,721 units) lang ng PUVs ang nakapagkonsolida bago mag-2024.

Ibig sabihin, nasa 24% pa (46,017 units) ang nananatiling unconsolidated, dahilan para posibleng mawalan ng trabaho ang libu-libo sa Pebrero.

Transport group ikinatuwa ang balita

Positibo namang sinalubong ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) ang desisyon ng komite, bagay na hakbang daw tungo sa tamang direksyon.

"PISTON welcomes the resolution of the House Committee on Transportation urging Marcos Jr. to reconsider the franchise consolidation deadline," wika ng grupo sa isang pahayag kanina.

"While this does not guarantee the urgent repeal of the profit-oriented, foreign and corporate-driven PUV modernization program, this must serve as a wake up call to the out-of-touch Marcos regime since not all commuters can take a chopper when they phaseout thousands of unconsolidated PUVs by Feb 1."

Una nang binanatan ng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) bilang "anti-mamamayan" ang inihahandang mga impounding areas ng Land Transportation Office para sa mga unconsolidated jeepneys simula ika-1 ng Pebrero.

May 27 buwan na lang ang mga kooperatiba't korporasyong magtransisyon mula sa mga lumang PUV patungo sa mga moderning e-jeeps o minibuses, bagay na hindi kaya ng ilang operator. Umaabot kasi ito ng P2.8 milyon ang ilang unit ito.

Nangyayari ang naturang inquiry sa Kamara sa gitna ng diumano'y iregularidad at katiwalian sa pagpapatupad ng PUVMP. 

Dagdag pa ng progresibong grupo, ipagpapatuloy lang ng mga manggagawa't commuters ang pagpalag sa "hindi makataong PUVMP" patungo sa pampublikong transportasyon kung saan walang naiiwan. — may mga ulat mula kay News5/Mariane Enriquez

BONGBONG MARCOS

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JEEPNEY PHASEOUT

PUBLIC UTILITY VEHICLES

PUV MODERNIZATION PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with