^

Bansa

Lotto winners sa Pinas, pang-Guinness - Sen. Imee

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Lotto winners sa Pinas, pang-Guinness - Sen. Imee
Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) outlet in Taguig City on November 17, 2023.
Philstar / Irra Lising

MANILA, Philippines — Dapat umanong ipaalam sa Guinness World of Records ang pinakamaraming bilang na nagwagi ng jackpot sa lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ayon kay Sen. Imee Marcos.

Para kay Marcos, nakamit na ng Pilipinas ang Guinness World of Records sa pinakamaraming bilang ng nagwagi ng jackpot sa lotto.

Sinabi rin ni Marcos na lubhang nakakapagtaka ang pagdami ng bilang ng lotto winners na maaaring maitakda sa Guinness.

“Kailangan malaman ng Guinness ito, sobrang galing eh. Tayo na yata ang may pinakamaraming nanalo sa loob ng isang taon,” ayon kay Marcos.

Naitala aniya sa records ng PCSO nitong Oktubre 2023 na umabot sa 433 indibiduwal ang nagwagi sa P236 million 6/55 lottery.

“Now, we have winners almost every day,” ani Marcos.

Nauna rito, nabatikos ang PCSO matapos matuklasan ng netizens na nagpalabas ito ng edited photo ng Lotto 6/42 jackpot winner na naging viral.

Inamin naman ni PCSO General Manager Melquiades Robles na edited ang photo upang protektahan ang pagkakakilanlan ng nagwagi.

vuukle comment

GUINNESS WORLD OF RECORDS

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with