10 katao nasaklolohan malapit sa Capiz matapos masiraan sa laot
MANILA, Philippines — Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pitong pasahero, kabilang ang ilang bata, at tatlong crew ng isang "distressed" motorbanca na MBCA AYOS sa katubigan ng Zapato Gamay, Roxas City, Capiz nitong Linggo.
"According to the crew, they encountered a mechanical trouble (detached shafting from its transmission), which caused the motorbanca to be 'dead in the water' approximately five nautical miles northeast of Olotayan Island," wika ng PCG sa isang pahayag ngayong Miyerkules.
"The boat captain decided to drop anchor and sought rescue assistance."
Natagpuan naman ng Coast Guard search and rescue team ang MBCA AYOS bandang 10 nautical miles hilagang-kanluran ng Zapato Dako/Mayor Island.
Sinasabing nailipat na ang mga pasahero at crew ng bangka sa isang rescue boat, habang tinow naman ang distressed motorbanca patungo sa pinakamalapit na isla dahil na rin sa hindi magandang lagay ng panahon sa laot.
Lunes nang mai-tow ang MBCA AYOS sa Coast Guard Sub-Station in Calumpang, Masbate para sa pansamantalang safekeeping.
"Meanwhile, the passengers and crew were ferried to their residences at Barangay Ubo, Balud, Masbate," patuloy pa ng PCG.
- Latest