^

Bansa

Probe sa ‘signature-buying’ sa Cha-cha, ikinakasa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Probe sa �signature-buying� sa Cha-cha, ikinakasa
This photo shows Rep. France Castro (ACT Teachers party-list).
ACT Teachers Party-list / Release

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ng Makabayan bloc ang umano’y “signature-buying” at paggamit ng pondo ng gobyerno sa isinusulong na People’s Initiative para sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Sa House Resolution 1541, hiniling nina House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, Kabataan Rep. Raoul Manuel at Gabriela Rep. Arlene Brosas na pangunahan ng House Committee on Public Accounts ang isasagawang imbestigasyon.

Batay sa pahayag ni Castro, marami na silang natatanggap na report tungkol sa panloloko sa pagpapapirma para sa pekeng people’s initiative para sa Charter change.

Nakasaad ang ulat hinggil sa vote buying kung saan magkasama umanong pagbobotohan ito ng Kongreso at Senado upang maamyen­dahan ang Konstitusiyon.

Iginiit ng mga mambabatas sa resolusyon na hindi lamang unconstitutional kundi immoral din ang paggamit ng pondo ng social protection program at iba pang pondo ng gobyerno para suhulan ang publiko na pumirma sa panukalang pagbabago sa Konstitusyon.

Binanggit din sa resolu­syon ang pro-charter change paid advertisement na tinawag na “Edsa-pwera” na ipinalabas na sa telebisyon.

Matatandaang sinabi ni Sen. Imee Marcos ang umano’y pagbibigay ng ?20 million kada distrito sa ilang lalawigan para sa “signature buying”.

vuukle comment

MAKABAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with