^

Bansa

Libreng VIP lounge para sa OFWs sa NAIA 1, bukas na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Libreng VIP lounge para sa OFWs sa NAIA 1, bukas na
Binisita ni House Speaker Martin Romualdez kasama si OWWA Chief Arnel Ignacio ang bagong bukas na OFWs Lounge sa NAIA Terminal 1.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. binuksan na para sa mga OFWs ang isang 24/7 VIP (very important person) Lounge sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“Now, our OFWs have a place to call their own in our airports similar to premium lounges being enjoyed by privileged travelers,“ ani Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez”.

“Itong dedicated space para sa papaalis na OFWs ay bukas na. Puwede na nilang gamitin. Binuksan namin ito batay na rin sa utos ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr.”, ayon sa lider ng kongreso.

“Ito’y isa lamang sa mga OFWs VIP lounge na ating bubuksan sa mga international airport sa Metro Manila, Clark, Cebu, at Davao para sa ating mga kababayan na paalis at papunta na sa kani-kanilang trabaho abroad. Gusto na­ting suklian ang malasakit ng OFWs sa ating bansa. Sila ang modern-day heroes. Isang legacy ito ni Pangulong PBBM,” dagdag pa ni Speaker.

Sinuri nina Romualdez at OWWA Administrator Arnel Ignacio ang OFW lounge na matatagpuan sa ikaapat na palapag ng Terminal 1 malapit sa pre-departure area noong gabi ng Sabado.

Magbubukas din ng OFW VIP lounge sa Terminal 3.

Ang pagbubukas ng OFW lounge ay isinulong ni Zamboanga Sibugay Rep. Walter Palma na naghain ng panukala para sa pagpapatayo nito.

Ayon kay Romualdez ang paggamit ng VIP lounge ay libre anumang uri ng tiket ang hawak ng mga OFW.

Ang lounge ay katulad ng mga espasyong itinatayo ng mga airline company para sa kanilang mga business-class at first-class na pasahero na nagbabayad ng mas malaki kumpara sa mga pasahero na nasa economy.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang mga OFW VIP lounge ay mayroong komportableng upu­an, wi-fi, charging stations, at power outlets, at pagkain gaya ng lugaw, sandwiches, biskuwit, itlog at mga katulad nito at inumin gaya ng tubig, kape, at juice.

vuukle comment

NAIA

OFW

VIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with