^

Bansa

Explainer: Anong pwedeng gawin ng unconsolidated PUV drivers, operators?

James Relativo - Philstar.com
Explainer: Anong pwedeng gawin ng unconsolidated PUV drivers, operators?
A jeepney driver conducts maintenance work on a cooperative-owned passenger jeepney in Quezon City on December 27, 2023.
The STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Libu-libong tsuper at operator ng tradisyunal na jeepney at UV Express ang hindi pa rin konsolidado sa ilalim ng PUV Modernization Program — pero ang tanong, anong option pa ba ang nalalabi para sa kanila bukod sa mawalan ng trabaho?

Hanggang ika-31 ng Enero na lang kasi papayagang pumasada sa piling kalsada ang unconsolidated na public utility vehicles (PUVs) matapos ang December 2023 deadline na ibinigay ng gobyerno. 

Layunin ng PUVMP na itransisyon at i-phase out ang mga lumang jeep at UV Express patungong modernong e-jeeps/minibuses matapos ang December 31 consolidation deadline. "Eco-friendly" man, pwede itong umabot ng milyun-milyon kada isa.

Tanging 76% (145,721 units) lang ang matagumpay na nakapagkonsolida bago mag-2024. Ngunit paano na ang mangyayari sa nalalabing 24% (46,017 units)?

Drivers: Pwede magpa-absorb sa kooperatiba

Pinangangambahan ngayong mawalan ng trabaho ang libu-libong drayer bunsod nito. Pero ayon sa gobyerno, pwede pa ring i-absorb ng mga kooperatibang nakahabol sa konsolidasyon ang mga naturang tsuper.

"Sila po ay pwedeng lumipat sa mga kooperatiba or korporasyon para ituloy ang kanilang hanap-buhay," ani Office of Transportation Cooperatives (OTC) chairperson Andy Ortega 

"'Yun po ang ating objective sa OTC: kailangan pong bigyan sila ng trabaho para matulungan natin sila para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan."

Pero hindi 'yan madali para sa ilang jeepney drivers. Sa ulat na ito ng GMA News, ilang tsuper na ang sumubok pumalahok sa mga kooperatiba ngunit tinanggihan.

Operators: Ayuda o tigil na

Sa ilalim ng PUVMP, kakailanganing isuko ng mga indibidwal na operator ang kanilang mga prangkisa kapalit ng pagkokonsolida sa loob ng mga kooperatiba o korporasyon.

At para sa mga bigong pumaloob sa programa, may nakahandang tulong daw ang gobyerno. Hindi na kasi sila maaaaring makapag-operate pa matapos ang Enero.

"Iba-iba po ang rason [ng mga hindi nagkonsolida]. Sa dulo po nagdesisyon sila at nirerespeto namin ang desisyon ng mga operators," dagdag ni Ortega.

"For all operators na hindi po sumama sa programa, mayroon pong tulong na ibibigay ang [Department of Social Welfare and Development]. At dito naman po sa PUVMP, meron pong programa through TESDA and [Department of Labor and Employment] para makatulong sa operators."

Una nang sinabi ng DSWD na handa silang magbigay ng "one-time assistsance" para sa mga mawawalan ng trabaho dahil sa PUVMP.

Bahagi ito ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng naturang kagarawan. Sa lalim nito, maaari aniyang makapagbigay ng tulong gaya ng pagkain at cash aid.

Sa kabila nito, walang eksaktong halagang ibinigay ang DSWD pagdating sa maibibigay na ayuda.

Ituloy ang laban

Pero hindi lahat ng unconsolidated drivers at operators ang papayag na sumuko at magkanda-gutom: ang ilan ay nagbabalak pa ring ituloy ang karapatang makapamasada at maghanap-buhay.

"Kung sa bahagi po ng Piston ay may mga plano na mga pag kilos bukot sa mga [hearing] na dinadalohan sa Kongerso at nakahanda ring kami sa. Senado na dumalo pag pinatawag kami," wika ni Piston national president Mody Floranda sa panayam ng Philstar.com ngayong Biyernes.

"Mahaba pa ang laban ng sector ng transport, at malinaw ang panawagang ng mga congersman 'wag muna ituloy ang modernisayon dahil walang malinaw na palano ang LTFRB AT DOTR."

Ilang araw pa lang ang nakalilipas matapos humirit ng 1-year extension para sa PUV consolidation ang Partido ng Manggagawa (PM) nina Renato Magtubo.

Una nang kinumpirma ni House Committee on Transportation chairperson Antipolo City Rep. 2nd district Rep. Romeo Acop na nagbabalak silang magpasa ng resolusyon para humukin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bawiin ang December 31 consolidation deadline.

Sa kabila nito, naninindigan si Ortega na desidido na si Bongbong na hindi i-extend ang deadline.

Ngayong araw lang nang sabihin ng Commission on Human Rights na posibleng malabag ang karapatan ng mga driver at operator sa "sustainable livelihood" dahil sa kasalukuyang itsura ng PUVMP, bukod pa sa posibleng idulot nitong transport crisis.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

EXPLAINER

JEEPNEY

JEEPNEY PHASEOUT

PISTON

PUBLIC UTILITY VEHICLES

UV EXPRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with