Pangulong Marcos, Vice President Sara tumaas trust at approval ratings
MANILA, Philippines — Tumaas ang trust at approval ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, sa latest survey ng Pulse Asia.
Batay sa non-commissioned survey, na isinagawa mula Disyembre 3 - 7, 2023, nakakuha si Pang. Marcos ng 73% trust ratings at 68% na approval ratings.
Ito ay pagtaas mula sa 71% trust at 65% approval na nakuha niya sa September 2023 survey.
Si VP Sara naman ay nakakuha ng 78% trust o pagtaas mula sa 75% noong Setyembre 2023.
Tumaas din ng isang puntos ang kanyang approval ratings, o naging 74% mula sa dating 73% lamang.
Samantala, si Senate President Juan Miguel Zubiri ay may 51% trust mula sa 49% lamang at 49% approval ratings, na pagbaba naman mula sa dating 50%.
Si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez naman ay nakakuha ng 40% trust ratings na pagtaas mula sa 38% habang ang kanyang approval rating ay nasa 39%, mula sa dating 41%.
Ang non-commissioned na December survey ng Pulse Asia ay nilahukan ng 1,200 adults respondents at may ± 2.8% error margin na may 95% confidence level.
- Latest