^

Bansa

Pinay sa Las Vegas, timbog sa pagpatay sa pastor

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinay sa Las Vegas, timbog sa pagpatay sa pastor
Ang biktimang si Nick Davi, 46, pastor ng Grace Point Church sa Las Vegas, ay nasawi habang ginagamot sa isang ospital doon habang nasugatan din ang kanyang asawa sa nasabing pamamaril.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang 36-anyos na Pinay ang inaresto sa North Las Vegas, Nevada dahil sa pamamaril sa pastor sa harap mismo ng kanyang asawa at mga anak.

Ang biktimang si Nick Davi, 46, pastor ng Grace Point Church sa Las Vegas, ay nasawi habang ginagamot sa isang ospital doon habang nasugatan din ang kanyang asawa sa nasabing pamamaril.

Base sa ulat, mayroong matagal nang away sa pagitan ng biktima at suspek na hindi pa pinangalanan kaya nauwi ito sa pamamaril.

Sinabi naman ni Ty Neal, na isa rin pastor mula sa Grace Point Church sa mga otoridad na matagal nang tinatakot ng Pinay ang pamilya ni Davi.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga otoridad para malaman ang tunay na motibo ng pamamaril.

Nahaharap naman ang Pinay sa mga kasong murder, attempted murder, discharge of firearms at dalawang bilang ng child abuse.

Kasalukuyang nakapiit ang Pinay sa Clark County Detention Center.

vuukle comment

NEVADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with