^

Bansa

Job applicants sa Taguig, exempted na sa mayor’s permit/clearance

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang ordinansang naglilibre sa mga empleyado sa pagkuha ng Mayor’s Permit/Clearance.

Ang mga pribadong employer sa Taguig ay hindi na dapat mag-require sa mga aplikante na naghahanap ng trabaho na kumuha ng Mayor’s permit/clearance.

Ayon sa Ordinansa Blg. 109 na ipinasa noong Dis­yembre 18, 2023 ng Sangguniang Panlungsod ng Taguig, ang mga empleyado, kabilang ang mga self-employed, mga naghahanap ng trabaho, o nagsasanay ng isang propesyon, ay exempted na sa pagsusumite ng Mayor’s permit/clearance.

Binabago ng Ordinansang ito ang isang probisyon sa Taguig Tax Revenue Code sa pamamagitan ng pagda­ragdag ng mga indibidwal na exempted upang mapagaan ang pasanin sa kanila habang sila ay nagtatrabaho.

Ang Ordinansa ay nakakatipid sa mga naghahanap ng trabaho hindi lamang sa oras kundi sa mga karagdagang gastos.

“Our commitment is anchored in the constitutional mandate to provide full protection to labor and to promote full employment and equality of employment opportunities for all. We strive to simplify processes, making them more accessible for individuals contributing to Taguig’s vibrant workforce,” sabi ni Mayor Cayetano.

LANI CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with