^

Bansa

Pagbukas ng PNR Naga-Legazpi train service, pinapurihan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinapugayan ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda ang muling pagbukas nitong Disyembre 27 ng biyahe ng PNR tren sa pagitan ng Naga City at Legazpi City.

Ang pagbubukas nito, ayon kay Salceda, ay lalong magpapasigla sa ekonomiya bukod pa higit na murang bayad sa pagbibiyahe ng mga mamamayan at mga produkto sa pagitan ng dalawang pangunahing sentro ng kumersiyo sa Kabikulan.

“Natutuwa kami at muling nabuksan na ito pagkatapos ng anim na taon at napapakinaba­ngan na ng mga kababa­yan naming Bikulano kaya masugid namin itong itinulak,” pahayag ni Salceda na siyang chairman ngayon ng House Ways and Means  Committee, at dating nagpanukala ng ‘PNR South Long Haul project’ na mauugnay ng Metro Manila at Bicol, na lubhang natagalan.

Dalawang beses sa isang araw ang biyahe ng tren sa 100-km pagitan ng Legazpi at Naga na nagtatagal ng mga tatlong oras at P155 ang pasahe bawat pasahero.

Sa pakipagpulong niya kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista noong nakaraang Pebrero, ipinanukala ni Salceda na unahin na muna ang tren sa pagitan ng Naga City sa Camarines Sur at Legazpi City sa Albay na siyang ‘regional center’ ng Bicol.

Sa naturang pulong, nangako si DOTr Railways Undersecretary Cesar Chavez, na isang Bikulano rin na kaagad niyang aasikasuhin ang ‘Naga-Legazpi Rail project’ na madaling mapopondohan ng pamahalaan.

Binigyang diin din ni Salceda na ang makabuluhang pagsasaayos ng imprastrakturang pang-transportasyon ay magpapasulong lalo sa turismo at ekonomiya ng Timog Luzon, lalo na ng Albay kung saan maraming ‘world-class tourist destinations.’

vuukle comment

PNR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with