^

Bansa

2024 sasalubungin ng mga Pinoy na may pag-asa – SWS

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2024 sasalubungin ng mga Pinoy na may pag-asa � SWS
Fireworks explode over Binondo-Intramuros Bridge as revellers celebrate the Lunar New Year, in Manila on January 22, 2023.
AFP / Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines — Mayorya ng mga Pilipino ang sasalubong sa taong 2024 na may baong panibagong pag-asa, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).

Isinagawa ang survey mula nitong Disyembre 8-11 kung kailan natagpuan na 96% ng mga Pilipino ang mas nais na magkaroon ng pag-asa sa pagsalubong sa Bagong Taon kaysa takot.

Mas mataas ito ng isang punto sa 95% na nakalap ng SWS noong 2022 at pinakamataas bago tumama ang pan­demya noong 2019.

Samantala, 3% ng 1,200 ng mga adult ­respondents ang nagsabi na natatakot sila sa papasok na 2024. Mas mababa ito kumpara sa 5% noong 2022.

Ayon sa SWS, pala­ging mas mataas ang pag-asa ng mga respondents na umaasa ng masayang Pasko kaysa mga mayroong malungkot na Kapaskuhan.

Nagsagawa rin ng kahalintulad na survey ang Pulse Asia na inilabas noong nakaraang linggo kung saan marami sa mga Pilipino ang umaasa ng magandang bukas sa 2024.

2024 sasalubungin ng mga Pinoy na may pag-asa – SWS

Danilo Garcia

vuukle comment

SWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with