^

Bansa

80K cruise ship dumagsa sa Pinas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuluyan na umanong nagbalik ang “cruise ship tourism” sa Pilipinas makaraang higit sa 80,000 cruise ship passengers ang bumisita sa Pilipinas sa buong taong 2023, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).

Dahil dito, sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago na tinanghal na “Best Cruise Destination in Asia” ang Pilipinas at inaasahan na lalo pang dadami ang darating na bisita mula sa mga cruise ships sa 2024.

Nitong nakaraang araw ng Pasko, higit sa 1,000 dayuhan at lokal na pasahero lulan ng MV AidaBella ng Aida Cruises mula sa Germany ang bumisita sa Port of Coron at nag-ikot sa mga tourist destination sa Palawan.

Kaya na umano ng Port of Coron sa Palawan na mag-accommodate ng hanggang 900 indibidwal sa kanilang passenger terminal makaraan ang malakihang renobasyon na nakumpleto ngayong 2023.

Sinabi ni Santiago na isang aral ang natutunan nila sa nakalipas na problema sa mga pasahero ng isang “cruise ship” sa Port of Manila, dahilan para mas paigtingin nila ang pagsasanay at pagpili sa mga tourism frontli­ners kasama ang mga private service providers upang hindi mapahiya ang Pilipinas.

Nagmula ang 80,000 turista sa mga cruise ships ng Norweigan Cruise lines, Holland America line, Silverseas, Windstar cruises, at AIDA.

Nangako si Santiago na pagagandahin pa nila ang ilan pang cruise terminals sa mga tourist destinations sa bansa kabilang sa Siargao, Camiguin, Boracay, Palawan, at Puerto Galera.

vuukle comment

PHILIPPINE PORTS AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with