Mga pulis binalaan sa indiscriminate firing
MANILA, Philippines — Mahaharap sa kasong administratibo at kriminal ang sinumang pulis na masasangkot sa indiscriminate firing ngayong Kapaskuhan.
Ito ang babala ni PNP-Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo sa mga tauhan na magpapaputok ngayong Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay Fajardo, kasunod ito ng inilabas na direktiba ng PNP Directorate for Operations na hindi na seselyuhan ang baril ng mga pulis.
Paliwanag ni Fajardo, kasama sa kinokonsidera sa hindi pagpapatupad ng “muzzle-taping” ng baril ng mga pulis ay ang posibilidad na makaapekto ito sa mabilis na pagresponde sa mga krimen.
Aniya, kinakitaan naman na ng mga pagbabago sa behavior ng mga pulis at epektibo ang pagpapatupad ng hindi pagseselyo ng baril.
Paalala ng PNP sa mga pulis, maging responsable sa paghahawak ng kanilang mga baril ngayong Kapaskuhan.
Base sa datos ng PNP, noong 2021 ay mayroong 25 insidente ng illegal discharge of firearms at isa dito ang nasaktan.
Tumaas ang bilang na ito noong 2022 kung saan 26 ang kaso ng illegal discharge of firearms at 10 ang nasaktan.
- Latest