^

Bansa

‘Free College Entrance Exams Act’ aprub ng Senado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senador Christopher “Bong” Go ang pag-apruba ng Senado sa panukalang batas na nag-aalis sa entrance examination fees sa mga pribadong higher educational institutions (HEIs).

Ang Senate Bill No. (SBN) 2441, kilala rin bilang “Free College Entrance Examinations Act”, ay nakakuha ng 22-0 boto sa ikatlo at huling pagbasa nitong Lunes, Disyembre 11.

Si Go, ang may-akda at co-sponsor ng panukalang batas, ay nagpahayag ng suporta sa inisyatiba.

“This is a significant step towards ensuring that every Filipino student has the opportunity to pursue higher education,” sabi ni Go.

“By removing financial barriers, we are opening doors for our youth, especially those from disadvantaged backgrounds, to reach their full potential,” dagdag ni Go.

Ang SBN 2441, isang konsolidasyon ng mga panukalang batas na iminungkahi nina Go,  Senators Ramon Bong Revilla, Jr., Mark Villar, Manuel “Lito” Lapid, Raffy Tulfo, Francis Escudero, at Win Gatchalian, ay naglalayong suportahan ang mga natural-born Filipino students na kabilang sa nangungunang 10% ng kanilang graduating class at mula sa mga pamil­yang nasa ilalim ng poverty threshold, gaya ng tinukoy ng National Economic and Development Authority.

Itinakda ng panukalang batas na ang mga kuwalipikadong mag-aaral ay hindi kasama sa mga bayarin at singilin sa pagsusulit sa pribadong HEI sa buong bansa.

Ang Commission on Higher Education ang inatasang mangasiwa sa pagpapatupad ng panukalang ito kung maisasabatas, kabilang ang pagpapataw ng parusa sa mga institusyong hindi susunod.

Patuloy na itinutulak ni Go ang mga patakarang nagpapaangat sa mga pamantayan sa edukasyon sa Pilipinas, sa paniniwalang ang edukasyon ay isang makapangyarihang kasangkapan para sa pagbabago at pag-unlad.

vuukle comment

EXAM

STUDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with