^

Bansa

Deportation vs Pinay-Swiss activist iligal, 'political persecution' — rights group

James Relativo - Philstar.com
Deportation vs Pinay-Swiss activist iligal, 'political persecution' — rights group
Litrato ng Filipina-Swiss youth leader na si Edna Becher
Released/Anakbayan

MANILA, Philippines — Kinundena ng ilang grupo ang diumano'y iligal na pagdakip at deportation kay Anakbayan Switzerland chairperson Edna Becher dahil diumano sa "paglahok sa gawaing kontra-gobyerno."

Ayon sa grupong Karapatan, Huwebes nang gabi nang dumating si Becher sa Ninoy Aquino International Airport  Terminal (NAIA) 3 para ipagdiwang ang holidays kasama ang pamilya't mga kaibigan.

Lingid daw sa kanyang kaalaman, political persecution ang kanyang dinatnan.

"She was detained by immigration authorities for two hours, as they alleged that she is on a blacklist due to involvement in anti-government activities," wika ng Karapatan, Biyernes. 

"As of this writing, immigration authorities have deported Becher, and is on a flight back to Switzerland."

Hinihingian pa ng Philstar.com ng pahayag si Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval ngunit hindi pa rin tumutugon hanggang sa ngayon matapos tanungin kung anong nalabag ni Becher, lalo na't ligal na grupo naman ang Anakbayan.

Kamakailan lang nang lumahok si Becher sa mga kilos protesta sa Switzerland kaugnay ng Universal Periodic Review at noong pagbisita ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa World Economic Forum.

"Becher, an activist from Anakbayan-Europe and also of Swiss nationality, has done nothing wrong and illegal against anyone, whether in her country of residence and much more in the country of her family roots," patuloy ng Karapatan.

"These acts also violate Becher’s freedom of association and freedom of movement."

"It is appalling that this happened days before International Human Rights Day, when the 75th anniversary of the Universal Declaration on Human Rights will be commemorated."

'Krimen ba bumatikos?'

Ang kaso ni Becher ang unang deportation ng isang Filipino activist mula abroad sa ilalim ni Marcos Jr., ayon sa Anakbayan. Paliwanag nila, balak din sana ng youth leader na makipamuhay sa batayang masa sa 'Pinas.

Sabi ng progresibong youth group, peligroso ang naturang blacklisting at pagki-criminalize diumano sa pagbatikos sa pamamalaka ng pamahalaan.

"The Marcos regime is actively barring individuals from abroad to see the dire social realities of Philippine society.  It is desperately silencing youth in the Philippines and abroad by any means possible," sabi nila.

"However, the fact remains - Filipinos continue to migrate abroad due to the lack of decent jobs, social services, and livable wages in the country."

Nananawagan ang grupo sa mga kabataan sa loob at labas ng bansa na panagutin ang administrasyong Marcos sa pagsikil diumano sa karapatan ng youth at human rights defenders. 

Kasaysayan ng deportation ng mga progresibo

Bago ang insidenteng ito, ilang kaso na rin ng pagpapaalis sa Pilipinas ang ginawa llaban sa mga dayuhang aktibistang nakikiisa sa mga isyung kinakaharap ng mga Pinoy.

Kabilang na rito ang Australian missionary na si Patricia Fox (2018), Australian lawyer na si Gill Boehringer (2018), Giacomo Filibeck (2018), Thomas Van Beersum (2013), atbp.

Ang mga naturang progresibo ay kilala sa pagdalo sa mga political protests sa Pilipinas, bagay na ikinagalit ng gobyerno. Una nang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na bawal lumahok ang mga dayuhan sa "partisan political activities."

ACTIVISM

ANAKBAYAN

BUREAU OF IMMIGRATION

EUROPE

HUMAN RIGHTS

KARAPATAN

SWITZERLAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with