^

Bansa

‘No Permit, No Exam’ Prohibition Act aprub na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Niratipikahan na ng Senado ang panukalang “No Permit, No Exam Prohibition Act” na inaprubahan ng Bicameral Conference committee.

Siniguro naman ni Sen. Chiz Escudero, chairman ng Higher, Technical and Vocational Education sa kanyang mga kasamahan sa bicam ang buong suporta sa sektor ng edukasyon sa pangunguna ng Coordinating Council of Private Educational Association (COCOPEA).

Kabilang naman sa pinagsamang probisyon sa bicameral conference committee ay ang Senate Bill 1359 at House Bills 6483 at 7584 na lahat ay nagbabawal sa “no permit, no exam”.

Bukod sa “No Permit, No Exam” policy ay hindi rin pinayagan ang anumang polisya na nagbabawal sa mga estudyante na kumuha ng educational assessments dahil sa hindi pa bayad ang kanilang matrikula sa ibang bayarin sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Sa ilalim ng panukala, hindi dapat pilitin ang mga estudyante at kanilang magulang o legal guardian na bayaran ang bahagi ng kanilang outstanding financial obligation.

Hinihikayat din nito na ipatupad ang ibang intervention tulad ng hindi pagbibigay ng diploma o certificates, hindi payagang i-admit o makapag-enroll sa susunod na taon o semester at pagtanggi sa pag-isyu ng clearance at maglatag ng settlement sa utang sa pamamagitan ng legal action.

vuukle comment

EXAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with