^

Bansa

8 Pinoy nakalabas na ng Gaza

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walong Filipino at isang Palestinian ang nakalabas na ng Gaza at nakatawid na sa border ng Egypt, kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos,ang 8 Pinoy at Palestinian ay sinundo ng Philippine Embassy sa Cairo at Egyptian side ng border kung saan binigyan sila ng transit visa patungong Egypt.

Samantala, nagbago naman ang isip ng mga kamag-anak ng walong Pinoy na nabigyan ng exit clearance at nagdesisyon na manatili sa Gaza kasama ng kanilang Palestinian na ama, habang nasa Pilipinas na ang kanilang ina.

Nilinaw naman ni Santos na base sa pinakahuling ulat nitong linggo, may 18 Pinoy pa ang nananatili sa Gaza.

Matatandaan na sa simula ng giyera sa pagitan ng Israel at militanteng Hamas noong Oktubre ay mayroong 137 Pinoy ang nasa Gaza.

vuukle comment

PALESTINIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with