^

Bansa

Kongresista: Pagkakaloob ng amnestiya ginagawa ng halos lahat ng administrasyon

Philstar.com
Kongresista: Pagkakaloob ng amnestiya ginagawa ng halos lahat ng administrasyon
Sa inilabas na Proclamation No. 404, binigyan ng pardon o amnesty ang mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na nakagawa ng krimen na ang parusa ay batay sa Revised Penal Code and Special Penal laws.
STAR/ File

MANILA, Philippines – Hindi na bago ang pagkakaloob ng amnestiya ng Malacanang sa mga rebelde, at ginagawa na ito ng halos lahat ng mga nakaraang administrasyon.

Ipinaliwanag ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Villafuerte ang dinamika ng amnestiya sa gitna ng pagsisikap ng gobyerno na tanggapin ang mga tumalikod na sa karahasan at muling nanumpa  ng katapatan sa pamahalaan.

“President Laurel wiped the slate clean for belligerents during the Japanese occupation. And after the war had ended, President Roxas amnestied officials who by force of circumstances were forced to collaborate with the enemy,” sabi ni Rep. Villafuerte.

“Even President Duterte signed an amnesty declaration for more than 7,000 former rebels, to which Congress duly concurred, as such act can only be binding when ratified by the legislature,” pagbibigay-diin niya. 

Subalit ipinaliwanag ni Villafuerte na sa ilalim ng amnesty program ng Malacanang, “acts of rape and murders will not be forgotten nor forgiven. No absolution of offenses will be given to these criminals.”

“Our mailed-fist policy against groups who want to overthrow the government remains firm,” dagdag ng mambabatas.

Ayon sa Bicolano, ang tinatanggao ng pamahalaan ay ang lahat ng nais magbalik-loob sa pamahalaan.

“We extend a welcome hand, once they are properly vetted, after they have irrevocably turn their backs to violence, and swear allegiance to the Republic,” sabi pa ni Villafuerte.

“This fratricide among brother Filipinos must end. A perpetual war has no winners, only losers. The toll on human lives is not only high, economic progress has also been forfeited, creating deep pockets of poverty in areas where conflict remains.”

AMNESTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with