^

Bansa

Pabrika ng paputok sa Bulacan sumabog, 1 patay

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

BOCAUE, Bulacan , Philippines — Sumabog ang isang pabrika ng paputok na ikinasawi ng isang babaeng manggagawa nang maputulan ng dalawang binti, naganap sa Sitio Dam, Brgy. Bunlo ng nasabing bayan ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rizza Villanueva, 45, manggagawa ng paputok at naninirahan sa Sitio Bihunan, Brgy. Bunlo, Bocaue, Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-5:40 ng hapon habang gumagawa ng kwitis ang biktima sa Fireworks Trading Miracles Manufacturer na pag-aari ni Fe Camantang nang aksidenteng mag-spark ang nasabing kwitis na naging sanhi ng pagsabog ng nasabing pabrika.

Sinasabing naputulan ng kaliwang binti ang biktima dahil sa lakas ng pagsabog at nagawa pa itong maisugod ng Bulacan rescue sa Bulacan Medical Center, subalit idineklara na itong dead-on-arrival. Inaalam pa ng mga otoridad ang halaga ng natupok na pabrika na sinasabing imbakan ng mga nagawang paputok na ibebenta sana ngayong papasok ang Bagong Taon.

vuukle comment

RIZZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with