^

Bansa

Expired na plakang ‘8’ ng solons pinababawi ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinasu-surender na ng Kamara ang lahat ng mga protocol Plate 8 na inisyu sa mga Kongresista ng mga nakalipas na Kongreso at maituturing na mga expired na.

Kasunod ito ng inilabas na memorandum ni House Secretary Ge­neral Reginald Velasco na nag-aatas sa mga mambabatas na isoli na ang protocol Plate 8 sa Office of the Secretary General sa lalong mada­ling panahon.

Nauna rito, hiniling ni Velasco sa Metropolitan Manila Development Authority MMDA) at maging ng Land Transportation Office (LTO) na hulihin ang lahat ng sasakyan na gumagamit ng plakang 8.

Nabatid na bagaman expired na ang protocol no. 8 ay marami pa rin ang ginagamit ito na namataan sa mga pangunahing highway kabilang ang EDSA.

Binigyan-diin naman ni Velasco na sa kasalukuyang 19th Congress at sa ilalim ng pamumuno Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay walang iniisyung bagong protocol plate ang Kamara.

MMDA

PLATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with