^

Bansa

9 patay, 16 sugatan matapos magnitude 6.8 na lindol sa Sarangani

James Relativo - Philstar.com
9 patay, 16 sugatan matapos magnitude 6.8 na lindol sa Sarangani
Investigators are examining the location where Danny and Jane Ginung were caught under debris from a concrete fence damaged by the earthquake on Nov. 17, 2023.
Philstar.com / John Unson

MANILA, Philippines — Umakyat pa ang bilang ng mga na-injure matapos ang malakas na magnitude 6.8 na lindol na tumama sa probinsya ng Davao Occidental — bagay na pumatay na sa siyam, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDDRMC).

Ika-17 ng Nobyembre nang yanigin ng lindol ang epicenter ng Sarangani. Una na itong itinaya ng Phivolcs na umabot sa magnitude 7.2 ang earthquake bago ito ibaba sa 6.8.

Narito ang pinakahuling tala ng casualties ng lindol, ayon sa huling situation report ng NDRRMC ngayong Martes:

  • patay: 9
  • sugatan: 16
  • apektadong populasyon: 16,293

Sa kabutihang palad, wala pang naitatalang nawawala at nasa loob ng evacuation centers sa ngayon.

Una nang naitalang umabot sa Intensity VII (destructive) ang lindol sa Glan, Sarangani.

"A total of 1,544 damaged houses are reported in Region 11, Region 12," sabi pa ng NDRRMC patungkol sa Davao Region at SOCCSKSARGEN.

Wala pang inilalabas na mga datos pagdating sa halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura imprastruktura. Gayunpaman, 202 na ang sinasabing napinsalang infrastructure.

Umabot na sa P11.61 milyong halaga ng ayuda sa porma ng family food packs, family kits, at pinansyal na tulong ang naibibigay sa ngayon sa Regions 11 at 12.

Lunes lang nang pangunahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary for Innovations Edu Punay  ang pamamahagi ng relief assistance sa mga empleyado ng Gaisano Grand Koronadal mall, na isa sa mga lubhang naapektuhan ng lindol.

"Over 400 mall employees received Php2,000 each under the DSWD’s Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program in addition to two boxes of family food packs (FFPs)," sabi ng Department of Social Welfare and Development.

 

 

vuukle comment

EARTHQUAKE

NDRRMC

PHIVOLCS

SARANGANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with