^

Bansa

Hilaw na impeachment, diversionary tactic

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas dapat umanong pagtuunan ng pansin ng mga mambabatas ay kung saan ginastos ang P125 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) na naubos sa loob lamang ng 11 araw at hindi ang hilaw na impeachment complaint.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapaliwanag kung saan napunta ang hininging confidential fund ni Vice Pres. Sara Duterte na naubos sa huling 11 araw noong Disyembre  2022.

“Dapat talagang mag-focus tayo doon sa isyu ng confidential funds antagal na nito mula pa nung September hindi pa rin nasasagot ng concerned agencies na mga pinagtatanungan namin especially yung OVP, (tsaka) sa DepEd (Department of Education),” giit ni Castro.

“Para sa amin ito dapat ‘yung focus-an na isyu, ‘yung mga usapin ng impeachment hindi ‘yan naman ano, seryoso,” dagdag pa ng mambabatas.

Ganito rin ang sinabi ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas at iginiit na dapat may mapanagot kung mapatutunayan na mali ang ginawang paggastos sa pera ng bayan.

Bukod sa P125 milyong confidential fund na inubos ng OVP, sinabi ni Brosas na magandang silipin ang bilyun-bilyong confidential fund ng Davao City government na ginamit ni VP Sara noong siya pa ang mayor ng lungsod.

Sinabi ni Brosas na kung maisasapubliko kung papaano at saan ginastos ang confidential funds ay tsaka pa lamang malalaman kung mayroon bang dapat na papanagutin.

vuukle comment

OVP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with