^

Bansa

QC prosecutor ipinatawag si Duterte matapos 'death threat' vs Makabayan solon

James Relativo - Philstar.com
QC prosecutor ipinatawag si Duterte matapos 'death threat' vs Makabayan solon
Former president Rodrigo Duterte
Presidential Photo / Roemari Lismonero

MANILA, Philippines — Inutusan ng Quezon City prosecutor's office si dating Pangulong Rodrigo Duterte na agarang sumagot sa reklamong grave threat at cybercrime charges na inihain laban sa kanya ng isang aktibistang mambabatas.

Matatandaang inireklamo ni ACT Teachers Rep. France Castro si Digong matapos "pagbantaan" ng nauna ang kanyang buhay sa isang programa ng Sonshine Media Network International.

"RESPONDENT/S is/are hereby commanded to appear before the Office of the City Prosecutor, Justice Cecilia Munoz Palma Building (Department of Justice), Elliptical Road, Quezon City [on December 4 and 11]," wika ng subpoena na isinapubliko, Miyerkules.

"This [is in] connection with the preliminary investigation of the abose entitled case, for the purpose of for the purpose of submitted your Counter-Affidavit including affidavit/s of your witness/es and supporting documents, if any."

Ang subpoena ay nilagdaan ni Senior Assistant City Prosecutor Ulric Badiola nitong ika-27 ng Oktubre. Sa kabila nito, ngayon lang ito inilabas sa publiko.

Una nang sinabi ng abogadong si La Viña na maaaring tumaas ng isang degree ang parusa sa dating pangulo lalo na't sakop daw ito ng Cybercrime Prevention Act.

Ika-10 ng Oktubre nang kapanayamin ng SMNI, na pagmamay-ari ng FBI wanted na si Apollo Quiboloy, si Duterte tungkol sa pambubusisi ni Castro sa kontrobersyal na confidential funds ni Bise Presidente Sara Duterte. Anak ni Digong ang huli.

Sinasabing nagmula ang death threats ni Digong rito habang binabanatan ang Makabayan bloc lawmaker kaugnay ng isyu. Aniya, si Castro raw ang magiging "unang target" ng confidential funds ni VP Sara. Burado na ang video.

Ito ang unang beses na maisyuhan ng summon si Digong matapos niyang bumaba sa pwesto sa pagkapangulo. Hindi gaya nang dati, wala nang presidential immunity na tinatamasa ang dating presidente.

"Very thankful ako sa Quezon City Prosecutor's Office kasi after three days na na-file namin itong complaint ay umaksyon na sila agad," ani Castro sa isang pahayag.

"Hopefully dumating si dating Presidente Rodrigo Roa Duterte sa preliminary investigation."

ACT TEACHERS PARTY-LIST

CYBERCRIME LAW

DEATH THREAT

GRAVE THREAT

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with