^

Bansa

Marcos Jr. sinuspindi pagpapatupad ng 'Maharlika fund,' pero solon ipinababasura ito

James Relativo - Philstar.com
Marcos Jr. sinuspindi pagpapatupad ng 'Maharlika fund,' pero solon ipinababasura ito
Litrato nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ACT Teachers party-list Rep. France Castro
Mula sa Facebook pages nina Bongbong Marcos at France Castro

MANILA, Philippines — Imbis na isuspindi lang, tuluyang ipinababasura ng progresibong ACT Teachers party-list kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF).

Ibinalita kasi ngayong Miyerkules ang biglaang pagsuspindi ni Bongbong ang pagpapatupad ng implementing rules and regulation (IRR) ng naturang batas.

"With reference to the IRR of [Republic Act] No. 11934, and upon the directive of the President [Marcos], the Treasurer of the Philippines, in coordination with the [Land Bank of the Philippines] and [Development Bank of the Philippines], is hereby DIRECTED to suspend the implementation of the IRR of RA No. 11954," ayon sa memorandum na ipinadala ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong ika-12 ng Oktubre.

"[This is] pending further study thereof, and to notify all concerned heads of departments, bureaus, offices and other agencies of the executive department, including [Ggovernment-owned and controlled corporations], of such action."

Idinirehe ni Bersamin ang naturang memo kay Bureau of the Treasury officer-in-charge Sharon Almanza, LDP president at chief executive officer Lynette Ortiz at DBP president at CEO Michael de Jesus.

Pinangangambahan nang maraming sektor ang pagpapatupad ng naturang batas sa takot na maaabuso ito o hindi kaya'y uubos sa pensyon ng karaniwang tao oras na malugi.

Makakukuha ang Maharlika Investment Crop. ng hindi bababa sa P75 bilyon sa paid-up capital ngayon 2023. Nangangahulugan ito ng P50 bilyon mula sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines, na parehong bangko ng gobyerno.

Maglalagak din ng P50 bilyon dito mula sa dibidendo ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Kasama ring pagkukunan ang share ng gobyerno sa state-owned Philippine Amusement and Gaming Corp.

Bubuuin ang capital stock ng P500 bilyon, bagay na hinati sa 5 bilyong shares sa presyong P100. Bubuuin ito ng 3.75 bilyong common shares, katumbas ng P375 bilyon, at 1.25 bilyong preferred shares (P125 bilyon).

'Kulang ang pagsuspindi, ibasura!'

Sa kabila nito, sinabi ni House Deputy Minority leader at Rep. France Castro (ACT Teachers party-list) na tila minadali at "flawed" ang desisyon ni Bongbong na suspindihin ang pagpapatupad ng batas.

"It would be better if Pres. Marcos Jr. just scrapped the whole Maharlika law rather than just suspend it," wika ni Castro ngayong Miyerkules.

"As Bayan Muna executive vice-president Carlos Isagani Zarate said last week 'the Marcos administration placed in grave danger the [LBP] and the [DBP] respective capitals after the  twin state-run depositary banks were required to finance the creation of the Maharlika Investment Fund (MIF)."

Paliwanag daw kasi ng Bayan Muna, nakaaalarma na mailalagay sa alanganin ang fiscal health ng mga naturang financial institutions dahil sa pagkahumaling sa ideya ng pagtatayo ng sovereign wealth fund.

Dagdag pa ng deputy minority leader, sablay na raw talaga ang Maharlika funds sa simula't sapul lalo na't wala naman daw sobrang pondo ang gobyerno para rito.

Una nang sinabi ni Bongbong na layunin ng RA 11935 na makabangon sa epekto ng pandemya.

"[M]ula pa sa pera ng bayan ang ipopondo dito sa halip na gamitin sa mga batayang serbisyo para sa mamamayan... maski ang pagsertipika dito as urgent ay di sumunod sa proseso... Mga appointee pa din ng pangulo ang mamamahala dito at bukas ito sa korapsyon," dagdag pa ni Castro.

"Malinaw na mas maraming problemang idudulot ang Maharlika fund at walang garantiya ang benepisyo, mabuti pang ibasura na ito habang maaga pa."

Setyembre lang nang hilingin ng Bayan Muna sa Korte Suprema na ideklarang labag 1987 Constitution ang batas lalo na't minadali raw ang pagpapatupad nito sa pamamagitan ng "presidential certification of urgency."

ACT TEACHERS PARTY-LIST

BONGBONG MARCOS

DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

MAHARLIKA INVESTMENT FUND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with