^

Bansa

Sen. Go sa DOH: HIV lumolobo, kampanya palakasin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go ang agarang aksyon ng mga kinauukulan upang mapigil ang lumolobong bilang o kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas.

Nanawagan ang senador sa Department of Health (DOH) na palakasin nito ang kampanya upang matugunan ang nasabing public health issue.

“Huwag tayong ma­ging kampante sa harap ng lu­malaking krisis na ito,” sabi ni Go.

“Mahalaga na palakasin ng DOH ang kanilang mga programa upang pigilan ang pagkalat ng HIV at magbigay ng kinakailangang suporta sa mga apektado,” idinagdag ng senador.

Hinimok din ni Go ang mga indibibwal na posibleng nagtataglay nito na hingin ang tulong ng gobyerno at tulungan ang sarili na makakuha ng free diagnosis at medications na naaangkop.

Ginawa ni Sen. Go ang mga panawagang ito kasunod ng report ng advocacy group LoveYourself Inc., na ang kawalan ng kamalayan sa nasabing nakamamatay na sakit ang siyang nananatiling malaking  factor sa paglobo ng bilang ng HIV cases sa bansa.

Nito lamang May 2023, iniulat ng DOH ang 1,256 bagong kaso ng HIV, kung saan ang 32% ay kinasasangkutan ng mga indibidwal na edad 15-24. Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng may HIV sa bansa ay umaabot na sa 116,504 simula noong January 1984.

“In these trying times, it’s the youth who are most vulnerable. Dapat nating i-focus ang ating mga pagsisikap sa pagtuturo sa kanila, dahil sila ang kinabukasan ng ating bansa,” sabi ni Go.

Si Go, chairperson ng Senate committee on health ang isa sa proponent sa pagpapalaki ng pondo para sa health programs ng gobyerno. Naging instrumento rin siya para itaas ang budget sa pagkontra sa HIV at iba pang sexually transmitted infections.

vuukle comment

DOH

HIV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with