^

Bansa

Malacañang tikom sa ika-51 anibersaryo ng Martial Law, walang pahayag

Philstar.com
Malacañang tikom sa ika-51 anibersaryo ng Martial Law, walang pahayag
People hold placards as they join a protest commemorating the 51st anniversary of the imposition of Martial Law, at Liwasang Bonifacio in Manila on September 21, 2023.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Walang plano ang Palasyong maglabas ng anumang pahayag tungkol sa ika-51 anibersaryo ng Batas Militar ngayong ika-21 ng Setyembre, bagay na idineklara ng diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. — ama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa ulat ng ABS-CBN News ngayong Huwebes. Kapansin-pansin ding walang nabanggit dito si press briefer Daphne Oseña-Paez nang kaharapin ang press kasama si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.

Matatandaang idineklara ni Marcos Sr. ang Martial Law noong ika-21 ng Setyembre taong 1972, bagay na dumulo sa pagkakakulong ng nasa umabot sa 70,000 katao, torture ng 34,000 at pagkamatay ng 3,200 iba pa, ayon sa datos ng Amnesty International.

Matatandaang kwinestyon ni Bongbong noong Enero 2022 ang mga datos na ito habang idinidiing "wala siyang ideya kung paano sila nakarating sa mga nasabing estatistika."

Nakuha ito ng Amnesty International matapos ang dalawang misyon sa Pilipinas noong 1971 at 1981 sa pagsang-ayon ni Marcos Sr. Inilimbag ang mga ulat noong 1976 at 1982.

Ang mga isyu ng paglabag sa karapatang pantao ay labas pa sa nakaw na yaman, bagay na kinilala bilang totoo ng Korte Suprema noong 2003, 2012 at 2017.

Tinatayang nasa $5 bilyon hanggang $10 bilyon ang ill-gotten wealth matapos mapalayas sa Palasyo ang mga Marcos sa pamamagitan ng EDSA People Power Uprising.

'Diktadura buhay sa pandurukot, terror law'

Kanina lang nang sabihin ng Movement Against Tyranny na buhay na buhay ang "legacy" ng diktadura  sa pandurukot at diumano'y sapilitang pagpapasuko sa environmental activists na sina Jonila Castro and Jhed Tamano.

"The Marcoses are back in Malacañang. The dictator’s heirs spend taxpayer monies to 'rebrand,' which simply means stomping on any reminders of two decades’ plunder and widespread human rights violations," wika ng grupo.

"We should expose and resist this official backslide to authoritarian rule initiated by the previous Duterte regime."

Gaya ng panahon ng diktadura, sinabi ng grupong napupunta ngayon ang buwis ng taumbayan sa mga maanomalyang infrastructure projects at Maharlika Investment Fund. Bukod pa raw ito sa itinutulak na milyun-milyong confidential funds.

Kung Martial Law din aniya ang ginamit ni Marcos Sr. noong Dekada '70, ito naman daw ang Anti-Terrorism Act of 2020 sa ngayon.

"So far, 34 individuals have been designated as terrorists and 15 others are facing criminal complaints for violating the ATA," sabi pa ng Movement Against Tyrany.

"Another 15 have been charged with violating the Terrorism Financing Prevention and Suppression Act. These include peace negotiators and consultants of the NDFP, four prominent Cordillera activists, three young human rights workers in Southern Luzon, members of indigenous peoples communities, ordinary farmers, and church-based and humanitarian organizations."

"Today, we mark this day of infamy by remembering the horrors of martial law. How can we forget when the same horrors are still with us today? More importantly, we vow never again to martial law. Never again to tyranny." — James Relativo

ACTIVISM

ANTI-TERROR LAW

BONGBONG MARCOS

FERDINAND MARCOS

HUMAN RIGHTS

MARTIAL LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with