^

Bansa

Pamimigay ng nakumpiskang bigas sa mahihirap, panabla sa smugglers – kongresista 

Philstar.com
Pamimigay ng nakumpiskang bigas sa mahihirap, panabla sa smugglers – kongresista 
Kuha ng isang sorpresang inspeksiyon ng mga hinihinilang smuggled at hoarded na bigas sa mga warehouse sa Balagtas at Bocaue, Bulacan noong August 30, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines – Pinakamabisang panlaban sa smuggling ang desisyon ni Presidente Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na ipamigay ang smuggled at hoarded rice sa mahihirap na pamilya, ayon sa isang mambabatas.

Sinabi ni Bulacan 6th District Rep. Salvador Pleyto na ang desisyon ni Pangulong Marcos ay mangangahulugan na “ang mga nakumpiskang smuggled rice ay hindi na maisasalba ng suhol.”

Ang kautusan ng Pangulo ay ipinatupad sa Tungawan, Zamboanga Sibugay kung saan ang mga nasabat na bigas ay ipinamahagi sa mga residente at local government units sa lalawigan. 

“By giving them to the people, it has been placed beyond the reach of those who have illegally brought them in,” sabi ni Pleyto, miyembro ng House Agriculture and Food Committee.

“The President’s action sent the strong signal that there should be no revolving door for smuggled rice in the government,” dagdag pa ng mambabatas.

Nauna rito ay tiniyak ni PBBM sa publiko na walang humpay ang pagkilos ng kanyang administrasyon upang tuldukan ang smuggling activities na nakapipinsala sa agricultural sector ng bansa.

Inatasan na ng Pangulo ang Bureau of Customs (BOC) na tugisin ang mga smuggler at puksain ang kanilang illegal operations.

Pinuri niya ang BOC sa pagkakakumpiska nito ng 42,180 bags ng imported rice na nagkakahalaga ng P42 million sa isang bodega sa Barangay San Jose Gusu, Zamboanga City noong September 15. 

Nanindigan ang Pangulo na sumusunod ang pamahalaan sa batas sa pagkumpiska ng smuggled items, kung saan binibigyan ang mga suspects ng 15-day notice para pakinggan ang kanilang panig.

RICE SMUGGLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with