^

Bansa

2 nawawalang environmentalist tumakas sa kilusan - NSC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng National Security Council (NSC) na tumakas sa kilusan ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF ang dalawang environmentalist students na unang napaulat na nawawala at dinukot.

Sa pulong-balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na idinaos sa National Press Club sa Maynila, sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan E. Malaya na ligtas sina Jhed Tamano at Jonila Castro at nananatili sa isang safehouse matapos sumuko sa mga pulis sa Bataan, sa takot na balikan ng mga dati nilang mga kasamahan sa kilusan.

Ayon kay Malaya, hindi environmentalists sina Tamano at Castro, sa halip tumatayong organizer ng grupong Kabataan at Karapatan ang dalawa.

Kinondena rin ni Malaya ang mga organisasyong ito na humuhubog sa mga kabataan upang maging mandirigmang New People’s Army (NPA) sa mga kanayunan.

Sinabi rin ni Malaya na humingi sila ng DOJ assistance upang ihanda ang mga kaso laban sa mga tao at mga organisasyong nagpakalat ng maling balita sa dalawang mag-aaral.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Police Captain Carlito Buco Jr., Chief Public Information Officer ng Bataan Provincial Police Office, na ang pangyayari ay nagdulot din ng takot sa iba pang mga magulang sa probinsiya na may mga pinag-aaral pang mga anak na tinatarget ng mga komunistang-terorista na mapasanib sa kanila at maging mga gerilya ng CPP-NPA-NDF.

NSC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with