^

Bansa

Manila Bay reclamation 'patuloy sa Navotas' kahit suspendido ni Marcos — grupo

Philstar.com
Manila Bay reclamation 'patuloy sa Navotas' kahit suspendido ni Marcos � grupo
Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), namataan ng kanilang mga miyembro kamakailan ang mga barkong nagsasagawa ng reklamasyon sa Navotas City nitong umaga, Miyerkules.
Released/PAMALAKAYA

MANILA, Philippines — Patuloy pa rin ang reclamation sa Navotas City sa kabila ng pagsuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 22 kontrobersyal na proyekto sa Manila Bay nitong nakaraang buwan.

Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), namataan ng kanilang mga miyembro kamakailan ang mga barkong nagsasagawa ng "dump-and-fill" operations sa Navotas City nitong umaga, Miyerkules.

"This is just more evidence of what we already know–that President Marcos’ incompetent verbal suspension is a sham,” sabi ni PAMALAKAYA Vice Chairperson Ronnel Arambulo sa isang pahayag ngayong araw.

“We demand him to immediately issue an official Executive Order completely terminating reclamation in Manila Bay and across the archipelago.”

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang manawagan ang Advocates of Science and Technology for the People (AGHAM) ng opisyal na written order sa suspensyon lalo na't wala raw ngipin ang "verbal" suspension ng pangulo.

Ayon pa sa PAMALAKAYA, bumaba ng 80% ang kita ng mga mangingisdang apektado ng mga reklamasyon sa Navotas, at noong Setyembre ng nakaraang taon, sinimulan na ng lokal na pamahalaan ang pagpapatanggal ng mga tahungan at baklad na nakaapekto naman sa higit 1,000 indibidwal.

Para daw ito sa isinasagawang Navotas Coastal Bay Reclamation Project na sasakop ng higit kumulang 650 ektarya ng lupa at kabilang sa 22 proyektong pinayagan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“It’s been more than a month, and fishers deserve more than empty talk and hollow words, which obviously cannot stop these companies from destroying their livelihoods,” dagdag ni Arambulo.

Maaalalang unang inihayag ni Pangulong Marcos Jr. ang pagsuspinde sa 22 reclamation projects sa Manila Bay upang suriin ang epekto nito sa kalikasan at sa mga komunidad na malapit dito.

Naging mainit na usapin ang mga reklamasyon sa Manila Bay matapos ang paghihinalang pinalala nito ang mga pagbahang naranasan sa mga nagdaang bagyo at matapos magpahayag ng pag-aalala ang US Embassy ukol sa pakikilahok dito ng isang kumpanyang blacklisted sa Amerika— intern Matthew Gabriel

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

FISHERFOLK

MANILA BAY

NAVOTAS

PAMALAKAYA

RECLAMATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with