Birthday wish ni Pangulong Marcos: Maging maayos na ang agrikultura
MANILA, Philippines — Hangad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging maayos na ang agrikultura.
Ito ang birthday wish ng Pangulo sa kanyang ika-66 kaarawan ngayong araw, September 13.
Sa panayam ng media sa Pangulo sa dinaluhang aktibidad sa Department of Agrarian Reform (DAR) nitong Martes, sinabi nitong hangad niyang umayos ang agrikultura sa bansa.
Sana aniya ay malinawan na kung kailan ang panahon ng tag-araw at tag-ulan upang mailatag na ang mga programa sa sektor ng agrikultura.
“Naku. Maging maayos na ang agrikultura. At malaman na natin kung ano ba talaga ang weather, wet season ba o dry season para naman matulungan natin ‘yung mga farmer natin. ‘Yun lamang naman ang aking panalangin pa rin hanggang ngayon”, pahayag ni Marcos.
Hanggang ngayon ay ang Pangulo pa rin ang nangangasiwa sa Department of Agriculture at wala itong itinatalagang kalihim ng ahensiya dahil nais niyang personal na matutukan ang mga pagpapabago at pagpapalakas sa agriculture sector.
- Latest