^

Bansa

Taas-singil sa kuryente ipapatupad ngayong September

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Taas-singil sa kuryente ipapatupad ngayong September
Sa abiso ng Meralco, magkakaroon ng P0.5006/kWh dagdag sa singil o overall electricity rate na P11.3997/ kWh ngayong buwan mula sa dating P10.8991/kWh lamang noong Agosto.
STAR / File

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng higit P0.50 kada kilowatt hour (kWh) na taas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company ngayong Setyembre.

Sa abiso ng Meralco, magkakaroon ng P0.5006/kWh dagdag sa singil o overall electricity rate na P11.3997/ kWh ngayong buwan mula sa dating P10.8991/kWh lamang noong Agosto.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ang naturang upward adjustment ay nangangahulugan ng pagtaas ng P100 sa total bill ng mga kostumer na nakakakonsumo ng 200 kWh kada buwan; P150 sa mga nakakagamit ng 300 kWh; P200 sa 400 kWh at P250 sa 500 kWh.

Ipinaliwanag pa ni Zaldarriaga na ang pagtaas ng power rate ay dahil sa mas mataas na generation charge na dulot naman ng paghina ng halaga ng piso kontra sa halaga ng dolyar.

Matatandaang noong Hulyo at Agosto ay nagpatupad naman ang Meralco ng tapyas sa singil sa kuryente.

KWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with